PAPAPIRMAHAN | Final Draft ng BBL, target mapapirmahan ng Bicam Committee kay PRRD bago ang SONA

Manila, Philippines – Puspusan na ang pagpaplantsa ng bicameral conference committee sa pinal na bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez – kahit na break ngayon ang Kongreso, nagkukumahog na isa sa pagsasapinal ng BBL na target mapirmahan kay Pangulong Rodrigo Duterte bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA).

Tiniyak ni Alvarez na BBL ang isa sa mga unang aasikusuhin ng Bicam sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa susunod na Linggo.


Sa ilalim ng BBL, layunin nitong palitan ang kasalukuyang ARMM ng mas matibay na Bangsamoro Region.

Facebook Comments