Nakitang ‘chop-chop victim’, props pala sa Halloween party

From Facebook/Iric Vallejo Balog

Mistulang na-wow mali ang Pasig police matapos nilang respondehan ang umano’y nakitang chop-chop victim, na nadiskubreng props pala sa Halloween party.

Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente na may nakitang parte ng katawan sa Ilang Ilang Street, Barangay Santa Lucia.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumabas na Halloween costume pala ito na hindi kaagad nailigpit.


Pag-amin ng barangay kagawad na si Iric Balog, naiwan niya ang ginawang props sa labas ng bahay dahil kumain muna sila.

Aniya, galing sa mannequin ang natagpuang binti at nilagyan niya ng pantalon, rubber shoes at gawa-gawang dugo.

Humingi ng paumanhin si Balog sa kinauukulan at mga nabulabog na kapitbahay.

Ibinahagi din ng kawani ang insidente sa social media at pumalo sa mahigit 63,000 shares at 60,000 likes.

Facebook Comments