Nakolektang basura sa inilunsad na KALINISAN program umabot sa 2.6 milyong kilo

 

 

Umabot sa 2.6 milyong kilo ng basura ang nakolekta matapos ilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) program.

Batay sa isinumiteng ulat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi nito na nasa 9,000 na barangay, 580,000 na indibidwal at 109,939 na barangay officials ang nakiisa sa clean up drive.

Sinabi pa ng kalihim, bibigyan ng pagkilala kada quarter ng DILG ang mga Local Government Units (LGUs) na epektibong makapagpapatupad ng KALINISAN program.


Dagdag pa ni Abalos, mahalaga kasi na buhayin ang volunteerism spirit sa mga komunidad.

Inilunsad ng DILG ang KALINISAN program noong Sabado, January 6, 2024 sa Baseco Compound sa Manila.

Facebook Comments