DRSTMH KINILALA NG DOH NATIONAL NA ISA SA 15 LEVEL 2 AWARDEES FOR HOSPITAL STAR AWARDS 2023

Kalibo, Aklan – Sa 15 Level 2 Awardees isa ang Aklan Provincial Hospital o Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital DRSTMH sa mga kinilala ng Department of Health DOH National bilang 2023 Hospital Star Awards.
Ang DOH Hospital Star Awards ay pagbigay karangalan ng nasabing tanggapan sa isang industriyang pangkalusugan na patuloy na nilalampasan ang inaasahan, pagpapakita ng pambihirang dedikasyon sa kabutihan ng mga pasyente at pagsulong ng mga makabagong gamutan.
Kasama ng taga Provincial Health Office PHO-Aklan si Governor Jose Enrique Miraflores sa pagtanggap ng nasabing award.
Facebook Comments