Nakolektang buwis ng gobyerno mula sa mga produktong alcohol at sigarilyo sa bansa, bumabalik na sa normal

Bumalik sa normal nitong Hunyo ang nakolektang buwis ng gobyerno mula sa mga produktong alcohol at sigarilyo sa bansa.

Sa inilabas na datos ng Department of Finance (DOF), umabot sa 7.35 bilyong piso ang nakolektang buwis sa mga produktong ito, mas mataas ng 7.6 percent sa target na 3.15 bilyong piso kada buwan.

Tumaas din ng 41 percent ang kabuuang buwis na nakolekta sa sigarilyo at alak mula enero hanggang Hunyo, na mayroong 61.47 bilyong piso mula sa target na 20.95 bilyong piso.


Ang pagtaas ng nakokolektang buwis ay bunsod ng pagdami ng komokunsumo sa sigarilyo at alak kasabay ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.

Facebook Comments