Nakolektang buwis ng mga lokal na pamahalaan, tumaas sa ikalawang kwarter ng taon

46

Tumaas ang kabuuang buwis na nakolekta ng mga local government units sa ikalawang kwarter ng taon.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Finance (DOF), umakyat ito ng 4% o P168.9 billion sa pinagsamang buwis at kita na nakolekta ng mga Local Government Unit (LGU) sa kabila ng quarantine restrictions.


Dahil dito, umabot sa P135.1 billion ang nakolekta ng mga pamahalaang lokal mula Enero hanggang Hunyo kumpara sa P130.9 billion noong 2020.

Facebook Comments