Pinoy judoka Kiyomi Watanabe, bigong makausad sa Tokyo Olympics

71

Bigong makausad ang pambato ng Pilipinas sa judo na si Kiyomi Watanabe sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos matalo ang Filipino-Japanese judoka laban kay Cristina Cabana Perez ng Spain sa round ng 32 women’s 63 kg division.


Matatandaan na noong 2019 Southeast Asian (SEA) Games ay nagkamit ng gold na medalya si Watanabe.

Si Watanabe rin ang humawak sa bandila ng Pilipinas kasama ng pole vaulter na si Eumir Marcial sa ginanap na opening ceremony noong nakaraang linggo.

Facebook Comments