NAKUKULANGAN | KMU at Partido ng Manggagawa hindi natuwa sa EO ni Pangulong Duterte kontra ENDO.

Manila, Philippines – Nakukulangan ang grupong Kilusang Mayo Uno at Partido ng Manggagawa sa Executive Order na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nagpasaklolo pa ang Punong Ehekutibo sa mga mambabatas upang ameyendahan ang Labor Code of the Philippines.

Ayon kay Elmer Labog ng KMU susuriin muna nila ng husto ang EO na pinirmahan ng Pangulo dahil naniniwala sila na kulang ito para tuluyang matuldukan na ang Kontrakwalisasyon.

Paliwanag ni Labog hindi mabisa ang pinirmahan ni Pangulong Duterte na EO dahil inamin aniya ng Pangulo na kailangan niya ng tulong ng mga mambabatas upang ameyendahan ang ilang probisyon sa Labor Code na naaayon naman sa kalagayan ng Ekonomiya ng bansa.


Hindi anila sila natutuwa kahit na napirmahan ng Pangulo ang Executive Order dahil hindi pa lubos ang kanilang kasiyahan na matuldukan na ang ENDO.

Facebook Comments