NAKURYENTE | 2 lalaki, sawi matapos makuryente sa Negros Occidental

Negros Occidental – Patay ang dalawang lalaki matapos makuryente sa Barangay Miranda sa bayan ng Pontevedra, Negros Occidental.

Sa ulat, unang humingi ng tulong ang technician na si Jiboy Sordilla sa kasama nitong si Johny Gigantoni para tanggalin ang tubo na nagsisilbing antenna sa internet connection.

Pero habang tinatanggal ang naturang antenna, aksidenteng dumikit ito sa live wire mula sa poste ng kuryente kaya at natusta ang dalawa.


Nagawa pang isugod sa ospital ang dalawa pero idineklarang silang dead on arrival ng mga doktor.

Facebook Comments