RAID | 17 Chinese nationals, huli dahil sa mga pekeng sigarilyo sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Arestado ang labing pitong Chinese nationals matapos na magsagawa ng raid ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa bodega ng mga pekeng sigarilyo sa Gapan City, Nueva Ecija.

Narekober mula sa mga nadakip ang ilang mga makina na ginagamit sa paggawa ng mga pinekeng iba’t-ibang brand ng sigarilyo.

Kasama rin sa mga nakumpiska ng raiding team ay tatlong kahon ng mga pekeng Bureau of Internal Revenue (BIR) tax stamps.


Nabatid na aabot sa P200 million ang halaga ng mga nakumpiskang pekang sigralyo at mga tax documents.

Inaalam na rin ng customs kung saan mga lugar ibinabagsak ng mga suspek ang kanilang mga kontrabando.

Facebook Comments