Nalagdaang MOU para sa pagpapalawak ng housing program ng gobyerno, umakyat na sa mahigit 80 ayon kay Pangulong Marcos

Umabot na sa 83 Memorandum of Understanding (MOU) ang napirmahan sa pagitan ng national government at mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatuloy ng layunin ng Marcos administration na mabigyan ng pabahay ang mga Pilipino.

Sa ground breaking ceremony ng housing project sa Barangay Balatas, Naga, Camarines Sur, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kahalagahan ng mga kasunduang ito.

Bukod kasi aniya sa mga gusali na itatayo, titiyakin din daw ng gobyerno sa mga maninirahan sa pabahay na magkakaroon ng sapat na oportunidad upang makapag-hanapbuhay at kumita.


Gagawa aniya ang pamahalaan ng mga paraan para mapalapit sa pamilihan, paaralan, at pagamutan ang housing program.

Ayon sa pangulo, sa ngayon patuloy na naghahanap ng paraan ang pamahalaan para sa pagpapalawak ng pabahay program, mula sa paghahanap ng mga lupang mapagtatayuan, hanggang sa pondong gagamitin para dito.

Facebook Comments