Nalalapit na concert ni Britney Spears sa MOA Arena, hinihigpitan na ang seguridad

Manila, Philippines – Manila, Philippines – Pinahihigpitan na ng Southern Police District (SPD) ang seguridad sa paligid ng Mall of Asia (MOA) arena sa Pasay City para sa inaabangang concert ni Britney Spears sa June 15.

Ito’y kasunod ng nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila (RWM) at pagsabog sa Manchester concert ni Ariana Grande.

Ayon kay SPD Director, Chief Supt. Thomas Apolinario – bantay sarado na ang loob at labas ng venue.


Aniya, multiagency ang mamamahala sa seguridad para sa libu-libong dadalo sa concert.

Itatalaga ang mga security personnel, rescue teams, K-9 units at SWAT team

Paliwanag ni Apolinario – mahirap ang pagse-secure sa mga enclosed areas kaysa sa mga open grounds.

Nagsagawa na rin ang SPD ng ocular inspection sa venue para hindi na maulit ang nangyaring trahedya sa RWM.
DZXL558

Facebook Comments