Nalalapit na pagbisita ni US President Trump sa Pilipinas, pinaghahandaan na ng pamahalaan

Manila, Philippines -Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang nalalapit na pagbisita ni US President Trump sa Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Rob Bolivar, kabilang si Trump sa labing-apat (14) na heads of state na inaasahang dadalo sa 50th Anniversary Celebration ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa November 13 hanggang 14.

Makakasama ni Trump ang mga kapwa leader mula sa sampung (10) ASEAN member-countries maging sina Russian President Vladimir Putin at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.


Gayunman, hindi pa matiyak kung dadalo si Chinese President Xi Jinping.

Nasa apatnalibong delegado ang inaasahang dadalo sa event na gaganapin sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Facebook Comments