Umaabot na sa ₱90.3 milyon ang naipon ng Philippine National Police (PNP) para itulong sa mga lubhang apektado ng Luzon lockdown sa pamamagitan ng kanilang ginagawang Bayanihan Fund Challenge.
Ayon kay Police Major General Benigno Durana, Hepe ng Directorate for Police Community Relations ng PNP, ang ₱90.3 milyon ay nalikom nila mula sa mga pledged at pera ng kanilang miyembro.
Boluntaryo ang pagbibigay ng tulong at kahit magkano ay maaring i-donate at bawal ang automatic salary deduction sa mga PNP personnel.
Pero ang mga miyembro ng Command Group at Directional staff, Police Regional Offices, National Support Unit at star-rank officers ay ibibigay ang 50% ng kanilang basic pay para sa buwan ng Mayo.
Target ng PNP na makalikom ng ₱200 milyon bilang pagsuporta na rin gobyerno sa pagbibigay ng ayuda sa lubhang apektado ng Enhance Community Quarantine (ECQ).