COVID-19 cases sa Pasay, 101 na!

Umaabot na sa 101 ang kaso ng COVID-19 sa Pasay City mula sa 95 kahapon.

Ang mga naka-recover naman ay nananatili sa 17 at pinakamaraming gumaling ay mula sa Barangay 183 sa Pasay kung saan walo na ang gumaling sa COVID-19 sa nasabing lugar.

Ang PUM naman o suspect ay 35 na lamang mula sa 40 at ang PUI o probable ay tumaas sa 23 mula sa walo kahapon.


Samantala ang mga nasawi ay nananatili sa 11.

Facebook Comments