Manila, Philippines – Isinisisi sa tax incentives na iginagawad sa mga malalaking negosyante ang daan-daang bilyong pisong kita na nawawala sa gobyerno.
Sa presentasyon ng Department of Finance, umabot sa P301 Billion ang nawalang kita sa kaban ng pamahalaan noong 2015 dahil sa tax incentives.
Malaking bahagi ng tax incentives ay ang import vat na umabot sa 159.8 Billion pesos.
Sa kasalukuyan, may mahigit 100 batas ang umiiral na nagbibigay ng tax incentives.
Ito ang dahilan kung kaya’t isinusulong ng Duterte administration ang rationalization ng tax incentives sa mga negosyo sa pamamagitan ng TRAIN 2.
Pero, iginiit naman ni House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua sa mga economic managers na kailangang patunayan muna nila na epektibo ang TRAIN 1 at hindi ito pahirap sa publiko bago nila atupagin at ipasa sa Kamara ang TRAIN 2.