NALUGI | Tatlong tourist establishment ng TIEZA, pinasasara ng COA

Manila, Philippines – Pinasasara ng Commission on Audit o COA ang tatlong tourist establishment na pinatatakbo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA.

Ito ay kinabibilangan ng Club Intramuros Golf Course o CIGC, Balicasag Island Dive Resort o BIDR at Gardens of Malasag Eco-Tourism Village.

Ayon sa COA, umabot sa 28.42 milyong piso ang nalugi ng tatlong tourist establishment.


Batay sa 2017 annual audit report ng COA, nagbibigay ng diskwentro at iba pang libreng prebilehiyo sa mga naggo-golf sa CIGC na dahilan ng pagkalugi nito sa nakalipas na taon.

Nakitaan naman ng kahinaan sa marketing strategy ang BIDR kaya ito nalugi.

Facebook Comments