NALUNGKOT | Pagkamatay ni US Sen. McCain ikinalungkot ni Sec. Lorenzana

Manila, Philippines – Nalungkot si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagpanaw ni US senator John McCain.

Ayon kay Lorenzana, si Senator McCain ay totoong kaibigan mg mga Filipino.

Si McCain aniya ay nagsilbing Chairman ng Armed Services Committee of the United States Senate.


Pinahalagahan nito hindi lang ang history ng Pilipinas at Amerika maging ang strategic partnership ng dalawang bansa.

Kwento ni Lorenzana hindi nakakalimutan ni McCain ang mga sakripisyo ng mga Filipino noong ikalawang World War.

Binigyang pagkilala rin ng Senador ang mga beteranong Filipino.

Nakilala ni Secretary Lorenzana si Senator McCain ng magsilbi ito bilang Defense Attaché at Veterans Affairs Representative sa Philippine Embassy sa Washington, D.C. noong taong 2002 hanggang 2016.

Nasawi Si Senator McCain dahil sa sakit sa edad na 81 years old.

Facebook Comments