NALUNGKOT | VP Robredo – ikinalungkot ang pagpapaalis sa bansa kay Sister Patricia Fox

Manila, Philippines – Naniniwala si Vice President Leni Robredo na politika ang dahilan ng pagpapalayas kay Sister Patricia Fox sa bansa.

Ayon kay Robredo – 27 taon ding tumulong sa mahihirap na Pilipino ang madre kaya nakakalungkot na napaalis siya sa bansa nang dahil sa pagpapahayag ng saloobin laban sa administrasyon.

Parang mas Pilipino pa nga aniya si Sister Fox kaysa sa ilang mga Pinoy.


Umaasa naman si Robredo na darating ang panahon na babalik ng bansa ang Australian missionary at ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga Pilipino.

Kagabi nang magbalik-Australia si Sister Fox matapos na ibasura ng Bureau of Immigration hirit nitong visa extension na nag-expire na rin kahapon.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalayas kay madre dahil sa umano ay pakikisali nito sa mga political rallies laban sa gobyerno.

Facebook Comments