NALUNOD | Lalaki, patay sa isang resort sa Rodriguez, Rizal

70

Rodriguez, Rizal – Nauwi sa disgrasya ang masaya sanang selebrasyon ng isang pamilya sa Rodriguez, Rizal.

Ito ay matapos na malunod ang isang lalaki sa anim na talampakang swimming pool sa isang resort sa Barangay San Rafael.

Ayon sa ina ng biktimang si alyas “Niño”, nag-ayang mag-night swimming ang kanyang anak matapos na maaprubahan na ang kanyang petisyon papuntang Canada kung saan makakasama na sana niya ang kanyang asawa.

Alas-dos ng madaling araw, nagdesisyong matulog ang pamilya pero naiwan daw si Niño at nag-karaoke pa.

Pero nang aalis na ng alas-7:00 ng umaga, nakita na lang nila sa ilalim ng swimming pool ang biktima.
Sinisi naman ng pamilya ng biktima ang resort dahil sa umano’y kapabayaan nito.

Pero ayon sa kinatawan ng resort na si Jennifer Jiro, hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga bisita na mag-ingat at bantayan ang mga kasamang hindi marunong lumangoy.

Gayunman, handa raw silang makipagtulungan para sa gastusin ng pamilya.

Facebook Comments