Makati City – Patay ang isang lalaki matapos malunod sa loob ng isang water tank sa Rufino St. Cor. Amorsolo St. sa Makati City.
Halos isang oras ang itinagal bago tuluyang marekober ng Makati rescue team ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki.
Ayon sa rescue team, may lalim na 10 – 15 ft ang water tank.
Sa inisyal na ulat, magkukumpuni lang sana ang biktima pero nagulat ang mga kasamahan nang hindi na ito umahon.
Facebook Comments