NAMAMAHALAN? | Mga pampublikong sasakyan na hinatak ng MMDA at I-ACT, malabo ng tutubusin ng mga operator – MMDA Chairman Danny Lim

Manila, Philippines – Naniniwala si MMDA Chairman Danny Lim na malabo ng tutubusin ng mga operator ng jeep na hinahatak ng Inter Agency on Council for Traffic o IACT dahil sa matataas na penalty o multa.

Ayon kay Lim 120 libong piso ang multa at tubos ng operator kapag kolurom ang kanilang mga sasakyan habang 2 libong piso naman kapag bulok at mausok ang mga pampublikong sasakyan.

Paliwanag ni Lim namamahalan ang mga operator ng jeep kayat posibleng hindi na nila umano tutubusin ang kanilang sasakyan kapag hinihila ng MMDA at IACT ang mga lumalabag sa pinaiiral na batas.


Giit ng Chairman ng MMDA seryoso ang kanilang kampanya at hindi sila titigil sa kanilang mga gagawing operasyon hanggat mayroong mga bulok at mauusok na sasakyang pampubliko na tumatakbo sa mga lansangan sa Metro Manila.

Facebook Comments