NAMAMALAGING COVID-19 PATIENT SA ISOLATION FACILITY SA PANGASINAN, ISA NA LAMANG

Inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Chief, Rhodyn Lunchivar Oro, na iisa na lamang ang covid-19 patient na namamalagi sa isolation facility sa ngayon.
Aniya, kung dati ay nasa 3.3% ang attack rate ng probinsiya ngayon ito ay nasa 0. 1% na lamang.
Sa kasalukuyan ang Pangasinan ay mayroon na lamang 19 aktibong kaso ng sakit at mayorya ng mga ito ay sumasailalim na sa home quarantine.

Ito na ang ikalawang linggo na nasa single digit na lamang ang naitatala ng probinsiya pagdating sa COVID-19.
Ayon naman kay Provincial Health Officer, Dra. Anna Maria Theresa De Guzman, ang mga covid-19 isolation facilities ng probinsiya ay nasa standby status.
Sinabi ni De Guzman, Naging malaking epekto nang pagbaba ng kaso ng covid-19 ay ang pagbabakuna laban sa sakit kung saan nasa 2, 056, 963 ang nabigyan ng unang dose at 1. 9 milyon na ang fully vaccinated. | ifmnews
Facebook Comments