Aktibong kaso ng COVID-19 sa Quirino Province, 3 na lang

Cauayan City, Isabela-Tatlo na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quirino batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office.

Sa kabuuang bilang,nananatili sa 8,079 ang COVID-19 confirmed cases kung saan 7,184 ang recovered cases habang 262 ang COVID related deaths.

Samantala wala ring naitalang bagong gumaling at bagong nasawi.

Sa ngayon,tanging bayan ng Diffun (2) at Cabarroguis ang may aktibong kaso sa probinsya.

Patuloy ang pagpapaalala ng pamahalaan na mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF upang matigil ang pagkalat ng virus, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.

Facebook Comments