Hindi banta sa seguridad ng bansa ang namataang aerostat sa Mischief Reef na bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isinagawang forum ng Manila Overseas Press Club o MOPC sa Makati na pinangunahan ni Eric Canoy ang Presidente ng MOPC AT Presidente ng Radio Mindanao Network Inc.
Paliwanag ni Lorenzana, wala syang natatangap na report mula sa AFP Western Command na ito ay maaring may epekto sa peace and order ng bansa.
Pero inaming ang eorastat ay ginagamit para sa intelligence gathering ngunit limitado lamang daw ang coverage nito.
Aniya 25 to 50 kilometers lamang nang nasasaklaw nito para sa monitoring sa mischief reef sa West Philippine Sea.
Sinabi pa ni Lorenzana sa Forum na hindi talaga mapo proktektahan ng bansa laban sa mga satellites sa himpapawid para sa monitoring.
Dahil sa mayroong satellites ang mga bansang United States, Russia, United Kingdom, South Korea, Indonesia, at Japan.
Ang Mischief Reef, na tinatawag ring Panganiban Reef, ay isa sa mga reef sa West Philippine sea na inaangkin ng Beijing China.