Namataang Chinese navy warship sa Scarborough Shoal hindi dapat ikabahala ayon sa DND

Hindi nakakaaalarma ang namataang presensya ng Chinese warship sa Scarborough Shoal.

 

Ito ay matapos ang report ng Philippine Coastguard na nakita nilang lumalayag sa karagatang sakop ng scarborough shoal ang isang Chinese Navy Warship.

 

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana hindi first time na may naglalayag na Chinese warship sa Scarborough Shoal dahil malimit aniyang lumalayag sa lugar ang warship ng China.


 

Nilinaw rin ni Lorenzana na hindi Navy warship kundi warship ng Chinese Coastguard ang malimit mamataan sa scarbough shoal.

 

Samantala kinumpirma rin ni Lorenzana ang report ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na may mga namamataang chinese fishing boats ngayon sa Pag asa Island.

 

Aniya normal sa mga panahong ito na maraming Chinese fishing boat ang makikitang nangingisda sa Pagasa island dahil sinasamantala ng mga ito ang pagtatapos ng season para mangisda.

 

Sa kabila nito tiniyak ni  Lorenzana sa na patuloy na nag papatrolya ang mga barko ng bansa lalo na sa bisinidad ng Scarbough shoal, Mischief reef at Pagasa Island para kahit paanoy hindi makaubra ang mga Chinese vessel na manatili sa mga karagatan ng Pilipinas.

Facebook Comments