Pangulong Duterte pinagbibitiw na ang mga opisyal ng Philhealth ayon kay Senador Bong Go

Kinumpirma ni Senator Elect Bong Go na pinagsusumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ng resignation letter ang mga board members o ang mga matataas na opisyal ng Philhealth.

 

Ito ay sa harap ng lumutang na anomalya sa dialysis claims sa Philhealth ng Well Med Dialysis Center sa Quezon City.

 

Ayon kay Go sa press brieifng malapit dito sa Malacanang, pinabayaan ng mga opisyal ang Philhealth ang ahensiya kaya ito ay isang usapin ng command responsibility.


 

Binigyang diin pa ni Go na kung hindi magsusumite ng courtesy resignation letter ay sisibakin ang mga ito ng Pangulo.

 

Sinabi din ni Go na sakaling mapunta sa kanya ang senate committee on health ay agad siyang magpapatawag ng imbestigasyon upang matuldukan na ang katiwalian sa Philhealth at mapanagot ang gumagawa nito at nagaaksaya ng pera ng taumbayan.

Facebook Comments