Manila, Philippines – Nababahala ang Palasyo ng Malacañang sa balitang may namataang Chinese ship na umiikot sa Benham Rise na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Ito ay kahit pa kinilala na ng United Nations na bahagi ng Pilipinas ang Benham Rise.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naipaalam na ng Deparment of National Defense (DND) sa Department of foreign Affairs (DFA) ang nasabing issue at patuloy na itong ginagawan ng aksyon ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Abella na patuloy ding igigiit ng Pililipinas sa China ang soberenya nito sa ating teritoryo.
Facebook Comments