Pagsampol ng Korte Suprema sa isang judge na sangkot sa iligal na droga, ikinatuwa ng Malacañang

17

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang pagsasampa ng administrative case ng Korte Suprema laban kay Baguio Regional Trial Court Judge Antonio Reyes na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagagalak sila sa naging hakbang ng Korte Suprema dahil ang war on drugs ng administrasyon ay hindi laban lamang ni Pangulong Duterte kundi laban din ito ng ibat-ibang sector ng lipunan.

 

Kailangan aniya ang tulong ng lahat ng nasa pamahalaan maging ng private at civil society upang maging matagumpay ang paglaban ng gobyerno sa iligal na droga sa bansa.

 

Dagdag pa ni Abella, isa itong magandang simula para sa bansa.

Facebook Comments