Namataang LPA, nagbabantang maging bagyo

Manila, Philippines – Nagbabanta ang namataang Low Pressure Area na nasa silangan ng Visayas.

Ayon sa PAGASA – posibleng sa susunod na linggo ay mag-develop na ang LPA bilang ganap na bagyo kung saan tatawagin itong “Emong”.

Huling namataan ang LPA sa layong 925 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar.


Samantala, ngayong araw, asahan ang mga biglaang buhos ng ulan partikular na sa Bicol Region, mga lalawigan ng Isabela, Aurora, Quezon at Palawan.

Nakakaapekto naman sa mindanao ang extension ng hanging habagat.

Facebook Comments