Namatay dahil sa dengue, umabot na sa 89 simula buwan ng Enero – NDRRMC

Walumpu’t siyam na katao na ang namamatay dahil sa nararanasang Dengue outbreak sa ilang lugar sa bansa.

Ito ay batay sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa kanilang datos simula January 1 hanggang July 12, 2019, nakapagtala sila ng 15,803 dengue cases sa region 6 at region 8.


Sa mga kasong ito, 89 ang namatay.

Pinakamarami sa mga namatay ay sa Negros Occidental na sakop ng region 6 na umabot sa 23.

Nakataas na ngayon ang alerto ng NDRRMC sa mga rehiyon na may maraming kaso ng Dengue para alalayan ang DOH sa pagpigil ng pagkalat ng Dengue.

Facebook Comments