Namatay sa gulo sa Marawi City, umakyat na sa 387

169

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at teroristang Maute group sa Marawi City.

Sinabi ni AFP PAO chief marine colonel edgard Arevalo, nasa 387 na ang nasawi sa bakbakan.

Sa bilang na ito, pitumpo ang nasawi mula sa hanay ng pamahalaan.


Nasa 290 naman mula sa hanay ng mga terorista.

Ayon kay Arevalo, 27 sibilyan ang pinatay ng Maute Group.

Dagdag ni Arevalo, nasa 347 na mataas na baril mula sa Maute ang narekober ng tropa ng military.



Ayon kay Arevalo, nag resume na ulit ang opensiba ng military sa Maute group matapos ang walong oras na humanitarian pause na ipinatupad kahapon bilang pag respeto sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim.

Facebook Comments