Bangkay ng sunog at pinagbabaril na lalaki, natagpuan sa isang bayan sa Cagayan De Oro

162

Cagayan de Oro, Philippines – Isang lalaking binaril at sinunog, natagpuan sa Cagayan de Oro.
Tinatayang mga nasa 30 anyos pataas ang lalaking nakitang patay sa Barangay Balulang dito sa syudad ng Cagayan de Oro kahapon.
Ito ang lumabas sa imbistigasyon ni Dr. Christian Caballes, ang medico legal officer ng SOCO.
Naniniwala naman si Balulang Brgy. Kagawad Roldan Mabaylan na sa naturang lugar pinatay ang biktima at sinunog.
Ayon sa mga residente na may narinig silang iyak at putok ng baril Sabado ng gabi at kahapon ng umaga tiningnan nila ang lugar kung saan nila nakita na may sinusunog ng gabing iyon.
Sa ngayon inaalam pa ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng biktima.

Facebook Comments