Patuloy ang pagtaas ng casualties matapos ang pananalasa ni bagyong Tisoy sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Sa ngayon 13 na ang bilang ng mga namatay dahil sa hagupit ng bagyo.
Sa report mula sa Police Regional Office 5, lima ang naitalang patay sa kanilang area of responsibility.
Kabilang sa mga ito ay ang isang nakuryente sa Libmanan, Camarines Sur.
Dalawa naman sa Sorsogon kung saan 1 ang nalunod sa Bulan at ang isa naman ay sa evacuation center sa Sorsogon City.
Patay rin ang 2 tao sa Pili at Goa matapos rin malunod.
Sa report naman mula sa PRO- MIMAROPA, 5 na rin ang naitatalang patay sa kanilang area of responsibility.
Apat dito ay mula sa Oriental Mindoro at 1 mula sa Marinduque.
Kinilala ang mga ito na sina:
Ildefonso Reyes De Los Santos (nabagsakan ng puno)
Jessie Santos (nabagsakan ng puno)
Efren De Guzman Cueto (heart attack)
Dominador Motol Lazo (heart attack)
Bernabe Minay Lundag (nabagsakan ng puno ng niyog)
Samantala, kinumpirma naman ng Department of Health o DOH na isa naman ang naitalang patay sa Ormoc City matapos na malaglagan rin ng puno noong December 2.
Iniulat naman ng Quezon Police Provincial Office na dalawa ang namatay sa kanilang area of responsibility.
Ito ay sina Rafael Palma nabagsakan ng puno at Joe Quito Sta. Ana na tinamaan ng kidlat sa kasagsagan ng bagyo.