NAMBUGBOG | 3 lalaki, arestado sa pambububog ng empleyado ng hotel

Caloocan City – Arestado ang tatlong lalaki matapos mambugbog ng mga empleyado ng isang hotel sa Caloocan City.

Ang mga suspek ay kinikilalang si Jimmy Nuñez na driver ni Caloocan Representative Dale Malapitan at dalawa pa na sina Orlando Orlanda, at John-John Tabon.

Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang mga suspek sa isang resto bar sa chill hotel nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng supervisor ng hotel na si Joel Mañago dahil sa hindi pa nababayarang videoke bill.


Nagyabang pa si Nuñez na driver siya ni Malapitan bago sapakin ang supervisor.

Dito na nagkainitan at sumama na rin sa pambubugbog ang dalawa pang kasama nito kung saan nadamay pa ang isang customer.

Kakasuhan sila ng attempted homicide at slight physical injuries matapos manakit ng dalawang hotel employees at isang customer.

Facebook Comments