MANILA – Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) dahil sa umano’y hindi pagbibigay ng access sa kanilang makapag-observe sa isinasagawang manual audit ng election result.Ayon kay NAMFREL Secretary General Eric Alvia – ipinagtataka nila kung bakit hindi sila pinapayagang makapag-observe gayong bahagi sila ng Random Manual Audit Committee.Kaugnay nito, nanawagan si NAMFREL System Committee Chair Corazon Akol sa mga nagsasagawa ng manual audit na papasukin ang mga NAMFREL observer para makita kung tama ang ginagawa nilang pagbibilang ng balota.Samantala, sa darating na linggo… mula Lunes hanggang Sabado, isasagawa ng NAMFREL ang kanilang second level validation ng manual audit sa mga makinang nakitaan ng sampu o higit pang variances.
Namfrel, Dismayado Sa Hindi Pagbibigay Ng Access Sa Isinasagawang Manual Audit Ng Election Result.
Facebook Comments