NAMFREL, nanawagan kay Pangulong Duterte ng transparency sa pagpili ng susunod na COMELEC executives

Nanawagan ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) kay Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang listahan ng mga kandidato para sa tatlong bakanteng posisyon sa Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa NAMFREL, dapat hayaan ng pangulo ang publko na maglahad ng mga komento, input, at personal na impormasyon sa mga kandidato para matiyak ang transparency sa proseso at makatulong na matukoy ang mga pinakakwalipikado at karapat-dapat.

Anila, makakatulong din ang isang bukas na proseso para mapagtibay ang tiwala ng publiko sa COMELEC bilang isang institusyon.


Matatandaang nag-retired ngayong buwan sina COMELEC Chairman Sheriff Abas at mga Commissioners na sina Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.

Samantala, sinabi naman ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na tinitiyak ng Pangulong Duterte na ang pagpili sa nakabanteng posisyon sa COMELEC ay magiging transparent, kung saan ang mga kandidato ay sumasailalim sa isang mahigpit na proseso ng pagsusuri.

Facebook Comments