NAMIGAY | QC Govt. namahagi ng school supplies sa batang mag-aaral sa lungsod

Manila, Philippines – Ilang linggo bago ang muling pagbubukas ng klase, sinimulan na ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pamimigay ng libreng School supplies sa mga batang mag-aaral na kanyang ginagawa taun-taon upang matulungan ang mga mahihirap na magulang sa kanilang mga gastusin.

Tinatayang 15,000 batang mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 3 ang mabibiyayaan ng programang ito ni Belmonte ngayong School Year 2018-2019.

Ayon kay Belmonte ang bawat trolley bag na pinamimigay ay may lamang limang notebook, pad paper, lapis, ballpen, ruler, crayons, eraser, at sharpener


Kasama ni Belmonte si 3rd District Councilor Gian Carlo Sotto at mga opisyal ng Barangay Masagana.

Facebook Comments