
Tuluyan nang dinisqualify ng Commission on Elections (Comelec) En Banc si dating Silang, Cavite Mayor Alstom Kevin Anarna.
Si Anarna ang nagwagi sa pagka-alkalde ng Silang sa nagdaang 2025 Midterm Elections.
Batay sa kopya ng resolusyon, naging grounds o batayan ng diskwalipikasyon ang hatol ng Office of the Ombudsman kay Anarna noong nakaraang taon.
Pinatawan kasi ng perpetual disqualification si Anarna ng Ombudsman matapos mapatunayang guilty sa grave misconduct at serious dishonesty sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
Ayon sa Comelec, nakitaan ng sapat na rason para idisqualify si Anarna.
Sa ngayon, pinagko-convene ng poll body ang Municipal Board of Canvassers (MBOC) ng Bayan ng Silang para iproklama ang nanalo na sumunod na pinakamaraming boto.
Batay sa resulta ng halalan, sumunod kay Anarna si Gented Carranza na may mahigit 40,000 boto na nakuha.
Si Anarna din ang kandidatong nagviral noon matapos na magbiro tungkol sa solo parents sa gitna ng kanyang kampanya.









