NANAMAN? | Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista – not on good terms

Manila, Philippines – Tila not on good terms na naman sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa isang press conference, mapapansin ang malalim na hugot ni Kris sa mga tanong para sa pelikulang i love you hater, kasama sina Joshua Garcia at Julia Barreto.

Nang tanungin ang cast ng “who is the last person you hated that you also loved?”, diretsang sagot ni Kris, “si Mayor HB.”


Say ni Kris, kaya raw niyang i-give up ang pagiging Kris Aquino para kay Herbert pero parang kulang pa rin daw ito para sa Alkalde.

Hindi rin daw nagustuhan ni Kris ang pakiramdam na parang uncomfortable si Herbert sa kanya kahit friends na lang sila at sa tuwing pinapansin sila ng mga tao.

Feeling daw kasi niya, hindi proud sa kanya si Herbert.

Gayunman, nilinaw ng Queen of Social Media na hindi sila enemies ni Herbert.

Huling komunikasyon daw nila ay noong batiin niya ito ng Happy Father’s Day.

Facebook Comments