WORLD CUP | Egypt – sasandal kay superstar forward Mohamed “Mo” Salah kontra Russia

Umaasa ang national team ng Egypt na maisasalba sila ng kanilang superstar forward na si Mohamed “Mo” Salah sa muling pakikipagtuos nito sa host country na Russia sa World Cup.

Alas 7:00 mamayang gabi ang banggaan ng dalawang team na gaganapin sa Saint Petersburg Stadium.

Ayon sa Manager ng Egyptian team na si Hector Cuper – “Fit” na si Salah para makapaglarong muli.


Matatandaang hindi siya nakapaglaro sa opening game ng World Cup kung saan tinalo sila sa dikitang laban ng Uruguay.

Gayunman, dadaan pa rin daw sa final fitness test ang liverpool player.

Facebook Comments