Manila Philippines – Anim na buwang pinasususpinde ng Office of the Ombudsman ang isang konsehal sa Cagayan De Oro dahil sa pananampal sa isang traffic enforcer.
Nobyembre 2016 nang tiketan si Konsehal Zaldy Ocon ng traffic enforcer at complainant na si Ric Emmanuel Agustin dahil sa pagpa-park niya sa “no parking zone”.
Nagalit umano si Ocon at pinunit ang ticket.
Nang ipatawag sila sa opisina ng Roads And Traffic Administration (RTA), nagkainitan ang dalawa at sinampal ng konsehal si Agustin.
Dahil dito, hinatulang guilty sa kasong conduct prejudicial of the best interest of service at slander by deed si Ocon.
Dinungisan umano ni Ocon ang imahe ng kanyang opisina, dahilan para mabawasan ang tiwala sa kanya bilang isang public official.
NANAMPAL NG TRAFFIC ENFORCER | Konsehal sa CDO, 6 buwang pinasususpinde
Facebook Comments