NANANAKOT LANG? | Mass layoff at pagsasara ng establisyimento, panakot lang ng mga kompanya para makaiwas sa pagbibigay ng wage hike

Ginagamit lang umano na paraan ng mga kumpanya para makaiwas sa pagbibigay ng umento sa sahod sa kanilang mga empleyado ang bantang mass layoff at pagsasara ng establisyimento.

Ito ang sinabi ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay matapos nilang i-anunisyo ang planong pagrebisa sa kanilang P320 petition wage para gawin itong p344 na kung maaprubahan ay magiging P856 ang sweldo ng mga manggagawa sa walong oras nitong pagtatrabaho.

Ayon kay Tanjusay, may opsyon naman ang mga kumpanya na maghain ng “exemption” kung talagang hindi nila kaya na ibigay ang naturang umento sa sweldo.


Katwiran pa niya, umuunlad naman ang ekonomiya pero ang mga manggagawang tumutulong para mapaunlad ang pagnenegosyo sa bansa ay lalong naghihirap.

Nauna nang sinabi ni Tanjusay na ang P320 wage hike petition ay Hunyo pa nila isinumite at nakabase pa sa kondisyon ng ekonomiya ng bansa noong unang quarter ng taon.
Pero nitong Setyembre, mas lalo pang tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyon kung saan pumalo sa 6.2 percent ang inflation rate

Facebook Comments