Manila, Philippines – Pumalag ang mga estudyante at empleyado sa pang aabuso ng mga pedicab at tricycle driver na sumisingil ng 50 pesos tatawid sa hindi mabahang lugar sa kahabaan ng United Nations Avenue Ermita Manila.
Ayon sa Ariel Reyes estudyante hindi aniya makatwiran ang singil ng mga pedicab at tricycle driver dahil malapit lamang ang kanilang pupuntahan at sinisingil sila ng 50 pesos kung saan sinasamantala ng mga driver ang malakas na pagbuhos ng ulan na lumikha ng maraming lugar sa Maynila na binabaha.
Paliwanag ni Reyes 10 piso lamang ang bayad nila regular na pamasahe sa tricycle maging sa Pedicab pero sa ganitong pagkakataon aniya sinasamantala ng maraming driver na sumisingil ng 50 pesos bawat pasahero na lubhang napakabigat umano sa kanilang bulsa.
Umapela ang mga pasahero sa mga opisyal ng Manila City Government na agad bigyan ng kaukulang aksyon ang kanilang mga reklamo upang mabigyan ng disiplina ang mga umaabusong pedicab at tricycle driver na nagsasamantala kapag malakas ang buhos ng ulan at bumabaha ang maraming lugar sa Manila.