Nananatiling ligtas mula sa bird flu ang Pilipinas

Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) matapos na makapagtala ng outbreak nito sa China at India.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, year-round ang ginagawang monitoring ng ahensya.

Regular din ang pagkolekta ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa samples mula sa mga migratory birds sa 60 lugar na tinukoy ng DA at health departments sa Avian Influenza Prevention Program nito.


Bukod sa outbreak ng H5N1 bird flu sa China at India, may bagong strain din ng bird flu ang naitala sa Eastern Europe kamakailan — ang H5N8 virus.

Noong 2013, aabot sa 6.5 billion dollars o higit 330 billion pesos ang nawalang kita sa China dahil sa bird flu.

Facebook Comments