NANATILI | Construction sector, isa sa may pinakamalaking ambag sa employment rate sa bansa

Manila, Philippines – Nananatili ang construction sector ang may pinakamalaking ambag na employment sa industriya ng subsector.

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kung saan naniniwala ito na malaki ang kinalaman dito ng build build build program ng ahensya.

Base sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), taon-taon ay nadaragdagan ng higit 400 libong trabaho ang nalilikha sa sektor ng konstruksyon.


Sa nakalipas na buwan ng Abril, pumalo sa higit 4 na milyong trabaho ang nalikha ng construction sector.

13.2% na mas mataas kumpara noong Abril 2017.

Kaugnay nito, sa darating na August 12, ang “jobs jobs jobs” ay ilulungsad sa SMX Convention Center mula 8:30 ng umaga Hanggang 4:30 hapon. kung saan marami ang mga aplikante na posibleng makahanap ng trabaho sa ilalim ng build build build program ng administrasyon.

Facebook Comments