KALABOSO | Lalaking may kinalaman umano sa nangyaring pagsabog sa Lamitan City Basilan, naaresto ng AFP

May naaresto na ang Armed Forces of the Philippines kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Lamitan City Basilan na ikinasawi ng sampung indibidwal.

Ayon kay Lt. Col Gerry Besana ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command ang naarestont suspek ay kinilalang si Ustadz Jainul Malialim Indamim alyas Abdulgani.

Ang inarestong lalaki ay 58 anyos na naaresto dahil sa mga tips mula sa mga informants.


Si Abdulgami ay may full knowlege umano sa nangyaring pagsabog.

Ito rin umano ang umaalay sa mga banyagang terorista na nanggaling sa Malaysia.

Si Abdulgani ay nahaharap sa kasong multiple murder at multiple homicide cases at paglabag sa Republic Act 9516 or illegal possession of explosives na residente ng Timbakan Barangay Maganda, Lamitan.

Sa ngayon, isinasailalim sa interogasyon ang naarestong lalaki.

Facebook Comments