NANATILI | DOJ, bukas pa rin sa posibleng pagtestigo ni Janet Napoles

Manila, Philippines – Bagamat inalis na sa provisional coverage ng Witness Protection Program (WPP), nananatiling bukas ang Department of Justice (DOJ) sa impormasyong ibibigay ni Janet Lim Napoles, pangunahing akusado sa pork barrel scam.

Gayunman, nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipinauubaya na niya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapasya kung bibigyan pa ng pagkakataon si Napoles para magbunyag ng mga impormasyon.

Sinabi ni Guevarra na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng NBI sa iba pang maaring sangkot sa PDAF at DAP scam na una nang ipinag-utos ni dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II.


Inihayag pa ni Guevarra na handa siyang kausapin si Napoles bastat wala itong hihingiing kundisyon

Pero sakali mang gamitin si Napoles bilang state witness, ipinaliwanag ni Guevarra na ang pagpapasya ay wala sa DOJ kundi nasa Office of the Ombudsman na may hurisdiksyon na mag-usig ng mga kaso ng katiwalian.

Facebook Comments