NANATILI | Sen. Cynthia Villar, pinakamayaman na Senador pa rin

Manila, Philippines – Hindi pa rin natitinag sa pwesto bilang pinakamayamang Senador si Senator Cynthia Villar na mayroong networth na mahigit 3.6 billion pesos base sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN noong December 31, 2017.

Mas mataas ito ng mahigit 5-milyong piso sa idineklara niyang yaman noong 2016.

Sumunod sa kanya si Senator Manny Pacquiao na may yaman na mahigit 2.9 billion pesos na mas mababa ng mahigit 126-milyon kumpara sa yaman niya noong2016.


Ikatlo si Senator Ralph Recto na may networth na mahigit 627.6 -million pesos.

Pang-apat si Senator Juan Miguel Zubiri na may yaman na mahigit 152-million pesos
Kasunod sina Senators Angara, Drilon, Poe, Gatchalian, Ejercito, Gordon, Sotto, Binay, Legarda, Aquino, Lacson, Honasan, Villanueva, Pimentel, Hontiveos, Pangilinan, at Escudero.

Pangalawa sa pinakamahirap si Senator Leila de Lima na nagsubmit ng mahigit 7.9 million pesos na yaman at ang pinakamahirap ay si Senator Antonio Trillanes IV na mayroon lamang mahigit 6.8 million pesos na networth noong nakaraang taon.

1. Cynthia Villar
3,611,260,766
2. Manny Pacquiao
2,946,315,029
3. Ralph Recto
627,696,651
4. Migz Zubiri
152,094,252
5. Sonny Angara
131,765,860
6. Franklin Drilon
93,727,005
7. Grace Poe
90,674,709
8. Sherwin Gatchalian
88,226,485
9. JV Ejercito
78,953,332
10. Richard Gordon
69,508,942
11. Tito Sotto
64,730,400
12. Nancy Binay
60,612,685
13. Loren Legarda
51,316,903
14. Bam Aquino
39,192,743
15. Ping Lacson
36,305,440
16. Gringo Honasan
25,243,912
17. Joel Villanueva
23,727,895
18. Koko Pimentel
18,110,000
19. Risa Hontiveros
16,196,665
20. Francis Pangilinan
13,471,564
21. Chiz Escudero
8,502,082
22. Leila de Lima
7,944,973
23. Antonio Trillanes IV
6,871,743

Facebook Comments