NANLABAN | Holdaper, patay matapos makasugapa ang PNP sa Alfonso, Cavite

165

Cavite – Patay ang isang holdaper matapos na makasagupa ng mga pulis sa Barangay Amuyong sa Alfonso, Cavite.

Alas-10 kagabi nang makatanggap ng tawag ang Alfonso Municipal Police Station sa nangyayaring robbery hold-up sa Secret Garden Resort sa Olive Tree Villa.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar na nag resulta ng palitan ng putok sa pagitan ng mga holdaper at pulis.

Nasawi agad ang isang holdaper pero tatlong kasamahan nito ang nakatakas na ngayo’y target ng manhunt operation ng pulisya.

Natangay ng mga nakatakas na holdaper ang ₱15,000 cash money, relo, back lack, handbag, iba’t ibang gadgets, Caliber 38 na baril at mga bala.

Facebook Comments